Sumigaw ng Darna Pag Gustong Pumara

jeepney at night

Guys! Be AWARE!

EKSENA SA LOOB NG JEEPNEY!

NAKAKAKILABOT!

Mag ingat sa pag sakay ng jeep, lalung-lalo na po sa gabi.

Isang gabi sumakay ako ng jeep.
Lahat ng pasahero nakatitig sa akin.
Walang umiimik. Weird man po yung pakiramdam, di na ako bumaba. Dahil nakasanayan ko namang magbayad pagkasakay inilabas ko ang bayad ko at sinabing:

“Ma, bayad po, sa Sandigang Bayan lang.”

Pero lahat nakatingin padin sakin. Wala pa ding umiimik. Yung isa bumulong sa katabi.

Naiirita kong sinabi: “PWEDE PONG PAKIABOT ANG BAYAD?!”

Pero, lahat sila nakatingin padin sakin.

Maya-maya, may isang matandang babae ang umusog palapit sa akin at bumulong:

“Hindi ka na dapat naparito iho. Umalis ka
na habang hindi pa nakakaalis ito sasakyan.
kung hindi, pagsisisihan mo ang pwedeng mangyari. Hindi kana makakauwi sa
inyo.”

Napalunok ako, pinagpawisan ng malapot at sumagot:

“Ano ho ang ibig niyong sabihin?”

Ang sagot niya:
.
.
.
.
.
.
.
.
.
“INARKILA NAMiN TO. MAGNA-NIGHT SWIMMING KAMI! TANGA KA?!”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s